Story: The day before the flight, galing kami sa Zhinan Temple at doon na nakaramdam si mama ng agarang pagkapagod kahit konting hakbang pa lang. Kaya nagdecide kami ng partner ko na mag-Uber na lang pauwi sa hotel. Habang nasa Uber kami, nagsimula na magchest pain si mama at hindi na siya makahinga, pinahinaan pa namin ang aircon baka kasi isang factor lang. Pagdating namin sa hotel bumili kami kaagad ng nebulizer para sa first aid. Medyo naging maayos ang pakiramdam nya at nakatulog sya. Kinabukasan, araw ng mismong flight namin maaga kami pumunta ng airport para hindi na rin kami magmadali. Nagrequest ang family ng partner ko ng wheelchair from check-in until makapunta kami sa boarding gate namin, para hindi na rin mapagod maglakad si mama dahil mahaba-habang lakarin rin at pila sa immig at papuntang boarding gate. Habang papasok na kami sa plane, napansin namin na nag-iistart na sya maghabol ng hininga at kahit maikli lang ang nilalakad namin papasok ng plane ay kitang-kita na napapagod agad sya. Bago kami pumasok sa plane, nagrequest ang sister ng partner ko na kung pwede all throuhgout the flight ay may oxygen support si mama para di na kami mahirapan kaso pagka-upo pa lang ni mama sa plane ay nag sabi na sya ng “hindi nako makahinga, hindi ko na kaya” agarang nagbigay ng oxygen ang ground staff ng airport at flight attendant ng cebu pac for the first aid. After nila mag bigay ng oxygen, hindi pa rin umaayos ang lagay ni mama at mas nagiging worst pa. Nag-code red na ang cebu pac and ask any passengers na nasa medical staff. Thankfully merong isa doctora na agad nagvolunteer, her name is Dra. Kate (maraming salamat sa tulong Dra. Kate) Chineck nya kaagad ang vitals signs ni mama at kinakausap habang inihintay ang ambulance. Everything is normal except sa kanyang BP na pumalo ng 220. After that, isinakay na si mama sa ambulance pagdating Emergency Response Team at sumakay narin ako at partner ko. Sinamahan kami ng isang ground staff ng Taoyuan Airport hanggan hospital para ma-explain sa amin ang mga dapat gawin and ma-translate lahat. Pagdating namin sa Landseed International Hospital, we paid the ambulance transportation and nag-run agad sila ng CT scan para malaman ang condition ni mama at ininterview din kami about her medical history. Doon namin nalaman na nag cardiac arrest na si mama at kailangan na nila intubate si mama. They asked for another test na Coronary angiogram dahil critical na lagay ni mama at nag cardiac arrest na pala sya. After the test dun namin nalaman na hindi na possible ung unang surgery na sinasabi nila na mag lalagay ng stent. They gave us 2 options. First, fly back to manila for the CABG (Coronary Artery Bypass Grafting) operation using a SOS plane that will cost around 1,000,000NTD and additional cost sa operation pagdating ng Manila. 2nd option, we will do the CABG surgery dito sa taiwan, pero we need to transfer my mom from Landseed International Hospital to National Taiwan University Hospital (NTUH) Hsin-Chu branch for the surgery. We opted to do the 2nd option because of her critical condition. Kaya bago kami magpa-transfer sa NTUH Hsin-Chu, we settled our balance first in Landseed Hospital (Emergency and ICU) at nagbayad din kami sa pagtransfer ng ambulance. We still have remaining settlement sa Landseed. Pinakiusapan muna namin ang cashier doon na kung maari magbigay muna kami ng partial payment dahil hindi namin kaagad kaya mabayaran ang remaining balance dahil na max out na ang credit limit ko. Pumayag naman sila at pinapabakik kami sa ibang araw kaya nakaalis na kami papuntang NTUH. Habang nasa emergency room kami ng NTUH ininterview kami at nag request sila ng permission para macopy ung mga results ni mama galing sa Landseed hospital para malaman nila ang mga susunod na gagawin. After few hours, kailangan na malipat ni mama sa CCU (Coronary Intensive Care Unit) at in-explain na samin ang gagastusin sa CABG surgery. Kinabukasan, minomonitor nila ang vitals ni mama dahil ang schedule ng surgery nya ay sa hapon. Around 1:30pm ng May 5, 2026, ibinaba na si mama sa OR para magready for the operation. Around 6:40pm lumabas ang doctor na nagperform ng surgery and told us na successful ang surgery dahil 4-artey bypass ang ginawa nila at kailangan mailipat agad sa CCU (para sa mabusising pag momonitor sa lagay ni mama.) Sabi rin nung surgeon na kinabukasan pag nag kamalay na si mama at hindi na sya drowsy ay pwede na nila tanggalin ang intubation.
Hospitals: Landseed International Airport & National Taiwan University Hospital Hsin-Chu Branch
Quote bills:
8,170 NTD – Taoyuan Airport to Landseed International Hospital expense
41,483 NTD – Landseed International Hospital expense (remaing balance is excluded)
5,800 NTD – Ambulance transfer to National Taiwan University Hospital Hsin-Chu Branch
10,521 NTD – Emergency expense in National Taiwan University Hospital
600,000 NTD (approximately) – CABG surgery fee and consumable 200,000 NTD (roughly estimation) – other medical expense as per hospital
as of right now we have a running balance of 660k ntd or roughly 1.3M php
Organized By

Every contribution helps move real initiatives forward, empowering communities and individuals to take meaningful action.
You Choose Where Your Support Goes
Donors decide which causes to back and how much to give. We empower individuals to make intentional, purpose-driven contributions.
Open Platform for Meaningful Causes
We provide a space where individuals and communities can share their stories and receive support directly from donors who believe in their mission.
Community-Driven Support
Initiate Global Foundation enables communities to rally around shared goals. We simply provide the tools — the impact is created by the people.